MANILA, Philippines – Ibinalibag sa loob ng rehas ang 19-anyos na teenager na akusado sa apat na bilang ng pangaggahasa matapos maaresto ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Malabon City.
Sa report ng tanggapan ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili, ang akusado ay isang resort supervisor at residente ng Barangay San Agustin, ng nasabing lungsod.
Nang maglabas ang Regional Trial Court, Branch 73, Malabon City ng Order of Custody laban sa akusdo ay kaagad naman itong ipinatupad ng mga tauhan ni Malabon Police Chief P/Col. Kenneth Mission.
Hindi naman umano pumalag ang akusado nang isilbi sa kanya ng mga operatiba ng Station Intelligence Section (SS4) ang nasabing Order of Custody para sa (4) counts of Rape na may inilaang piyansa na P100,000 bawat bilang.
Kasunod nito, isinailalim ang akusado sa medical examination Ospital ng Malabon bago tinurnover sa Malabon City Police Station Custodial Facility kung saan siya pansamantalang ikukulong habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte. (Merly Duero)