Home METRO Lalaking nag-apply ng police clearance, arestado sa warrant

Lalaking nag-apply ng police clearance, arestado sa warrant

16
0

CAVITE, Philippines – Isang lalaki na nag aaply para sa Police Clearance ang naaresto makaraang isilbi ang warrant of arrest nito  sa Imus City, Cavite.

Ayon sa report, kinilala ang nadakip na si  alyas Rico na may kinahaharao na kaso kasong paglabag sa Makati City Ordinance No. 203-095 at warrant of arrest na inisyu ni Hon. Jackie Crisologo Saguisag, Presiding Judge, National Capital Judicial Region, Metropolitan Trail Court, Branch 67, Makati City.

Sa ulat, bandang ala-1:00 ng hapon nang nagtungo si alyas Rico sa Satellite Hub, Imus Component City Police Station sa CityMall, Brgy Anabu 1B, ng nasabing lungsod  upang mag-apply ng police clearance.

Makalipas ang ilang minuto ay lumabas ang isa sa personnel ng National Police Clearance System subalit sa halip na police clerance ang iabot, isang warrant of arrest ang ipinakita sa kanya dahil sa kanyang kaso. Nag-ugat umano ang  pagpapalabas ng Bench Warrant of arrest laban sa kanya dahil sa hindi nito pagdalo ng mga ipinatatawag na hearing.

Inirekomenda ng korte ang halagang P1,000.00 piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya. MARGIE BAUTISTA 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here