Home METRO Kelot tiklo sa baril, droga sa Bataan

Kelot tiklo sa baril, droga sa Bataan

1
0

BATAAN, Philippines – Timbog sa mga awtoridad ang isang lalaki matapos mahulian ng mga baril at droga sa ikinasang operasyon ng pulisya sa Sitio Porto Aplaya, Barangay Balon Anito, Mariveles.

Batay sa ulat ni Bataan Police Director Col.Maritess Salvadora kay Central Luzon Police Director Brigadier General Jess Mendez.

Sa bisa ng Search Warrant mula sa Korte, hinalughog ng mga awtoridad ang bahay na tinutuluyan ng suspek kung saan nadiskubre sa pag-iingat nito ang mga baril at iligal na droga.

Nakumpiska sa suspek ang isang Improvised shotgun, isang cal .38 na baril at mga bala at isang pakete ng suspected shabu na may tinatayang timbang na 5 grams at standard drug price ng P34,000.

Nasa kustodiya na nang pulisya ang naarestong suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa  Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Dangerous Drug Law. (ROEL TARAYAO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here