Home NATIONWIDE #WalangPasok sa ilang lugar vs Super Typhoon Inday

#WalangPasok sa ilang lugar vs Super Typhoon Inday

2
0

MANILA, Philippines — Sinuspinde ng ilang lokal na pamahalaan ang klase sa Huwebes, Hulyo 9, dahil sa inaasahang epekto ng Super Typhoon Inday, na may international name na Bavi.

Sa Luzon, suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa San Jose Del Monte, Bulacan, kung saan lilipat ang mga paaralan sa alternative delivery mode. Suspendido rin ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Culion, Palawan.

Sa Visayas, suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Murcia, Negros Occidental, at lilipat sa modular mode of learning. Suspendido rin ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa buong lalawigan ng Negros Oriental.

Sa Bago City, Negros Occidental, suspendido ang klase mula kindergarten hanggang senior high school. Sa Himamaylan, Negros Occidental, suspendido naman ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan.

Sa San Carlos City, Negros Occidental, suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa mga barangay ng Rizal, Guadalupe, Punao, Palampas, Bagonbon, Nataban, Prosperidad, Buluangan, Codcod, Quezon, San Juan, at Ermita.

Sa Mindanao, suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa lalawigan ng Sultan Kudarat, habang maaaring lumipat sa alternative learning modes ang mga paaralan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here