Home HOME BANNER STORY 543 stranded sa mga pantalan dahil kay Inday

543 stranded sa mga pantalan dahil kay Inday

3
0

MANILA, Philippines – Nasa 543 pasahero, truck driver, at helper ang stranded ngayon sa ilang pantalan dahil sa Bagyong Inday, batay sa monitoring ng Philippine Coast Guard.

Apektado ang mga pantalan sa Southern Tagalog, Northwestern Luzon, at Southern Visayas.

Pinakamarami ang stranded sa 19 na pantalan sa Southern Tagalog, kung saan patuloy silang inaalalayan at tinutulungan ng PCG.

Sa kabuuan, 26 na pantalan ang apektado ng bagyo, habang 147 rolling cargoes ang stranded.

Iniulat din ng PCG na 112 vessels at 34 motorbancas ang pansamantalang sumilong sa ibang pantalan para sa kanilang kaligtasan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here