Home HOME BANNER STORY Blue Alert itinaas sa Metro Manila kay Typhoon Inday

Blue Alert itinaas sa Metro Manila kay Typhoon Inday

3
0

MANILA, Philippines — Isinailalim sa Blue Alert status ang Metro Manila bilang paghahanda sa posibleng epekto ng Typhoon Inday, ayon sa Office of the Civil Defense.

Dahil dito, binuksan ng OCD ang virtual emergency operations center nito upang matiyak ang maayos na online coordination sa iba pang ahensya ng pamahalaan.

Inaasahan namang bubuksan ang physical emergency operations center sa Biyernes o Sabado.

Sinabi rin ng OCD na nakapag-preposition na ng emergency response equipment sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Nauna nang sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority na operational ang 73 flood pumping stations nito habang binabantayan ang 100 flood-prone areas na tinukoy ng Department of Public Works and Highways.

Batay sa 5 a.m. advisory ng PAGASA, humina na bilang typhoon si Inday habang patuloy itong kumikilos pa-west-northwest.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Batanes; Cagayan kabilang ang Babuyan Islands; Isabela; northeastern portion ng Quirino; Apayao; northern portion ng Abra; Kalinga; eastern portion ng Mountain Province; eastern portion ng Ifugao; Ilocos Norte; northern portion ng Aurora; at northern at central portions ng Catanduanes.

Ayon sa PAGASA, inaasahang kikilos si Inday pa-northwest habang nananatili sa Philippine Sea. Maaari itong dumaan pinakamalapit sa Extreme Northern Luzon sa pagitan ng Biyernes ng gabi at Sabado ng umaga bago tumungo sa southern islands ng Japan at posibleng mag-landfall o dumaan malapit sa northern coast ng Taiwan.

Inaasahang lalabas si Inday ng Philippine Area of Responsibility sa Sabado at magla-landfall sa eastern coast ng mainland China sa Linggo, Hulyo 12. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here