Home METRO 15 pamilya, kabilang 4 buntis nailigtas ng PCG sa baha sa Sultan...

15 pamilya, kabilang 4 buntis nailigtas ng PCG sa baha sa Sultan Kudarat

4
0

MANILA, Philippines – Nailigtas ng Philippine Coast Guard ang 15 pamilya na na-stranded dahil sa pagbaha sa Sitio Pakil, Barangay Barurao 1, Lebak, Sultan Kudarat, kasunod ng tuloy-tuloy na malakas na pag-ulan nitong Miyerkoles.

Ayon sa Coast Guard Station Sultan Kudarat, kabilang sa mga inilikas ang apat na buntis, anim na senior citizen, at 26 na bata.

Sinabi ng PCG na nananatiling naka-alerto ang mga tauhan nito at patuloy na binabantayan ang mga lugar na madaling bahain upang agad na makatugon sa mga emerhensiya.

Nanawagan din ang Coast Guard sa mga residente sa mga apektadong lugar na sundin ang mga paalala sa kaligtasan at makipagtulungan sa evacuation efforts upang matiyak ang kanilang kaligtasan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here