Home METRO Kelot grinipuhan sa ‘di pagbayad ng P1K na utang, grabe

Kelot grinipuhan sa ‘di pagbayad ng P1K na utang, grabe

4
0

PANGASINAN – Kritikal ang kalagayan ng isang 23-anyos na lalaki matapos umano siyang saksakin ng suspek na naniningil ng P1,000 utang sa San Fabian, Pangasinan.

Base sa awtoridad, nangyari ang insidente sa Barangay Nibaliw Vidal madaling araw ng Martes.

Ayon sa pulisya, nag-iinuman ang tatlong lalaki, kabilang ang suspek, sa kanilang bahay nang magpasya silang singilin ang P1,000 na ilang linggo na umanong utang ng biktima, na isang tattoo artist.

“Ito yung nagmula sa sinisingil na utang na matagal nang pinangakuan. Pero every time na pumunta naman yung ano… hindi nagbabayad,” ayon kay Police Lt. Jonathan Castillo, officer on duty ng San Fabian Police Station.

Tinawag umano sa labas ang biktima, kung saan nagkainitan ang mga ito hanggang sa saksakin ng suspek ang biktima gamit ang dala nitong patalim.

Nagtamo ng saksak sa tiyan ang biktima at nananatiling kritikal sa ospital.

Matapos ang pananaksak, tumakas ang tatlo ngunit kalaunan ay naaresto rin at sinampahan ng reklamong frustrated murder.

Inamin naman ng suspek ang krimen, na nagawa umano niya dahil sa galit at impluwensiya ng alak. Sinabi rin niya na kailangan na sana nila ang pera para pambili ng bigas.

Wala pang pahayag ang biktima at mga kaanak nito, ayon sa ulat. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here