MANILA, Philippines – Itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2 sa Batanes sa lalo pang paglapit ng Bagyong Inday.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang Bagyong Inday sa layong 865 kilometro silangan ng Northern Luzon at kumikilos sa Philippine Sea sa direksyong northwestward sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Bahagya itong humina sa lakas ng hangin na 165 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 205 kilometro kada oras.
Nakataas naman ang TCWS No. 1 sa mga sumusunod na lugar sa Luzon:
Cagayan kabilang ang Babuyan Islands
Isabela
Northeastern portion ng Quirino (Maddela)
Apayao
Northern portion ng Abra (Tineg, Lagayan, Danglas, San Juan, Lagangilang, Licuan-Baay, Malibcong, Lacub, Daguioman, Dolores, La Paz)
Kalinga
Eastern portion ng Mountain Province (Natonin, Paracelis)
Eastern portion ng Ifugao (Aguinaldo, Alfonso Lista)
Ilocos Norte
Northern portion ng Aurora (Dilasag, Casiguran)
Northern at central portions ng Catanduanes (Pandan, Caramoran, Bagamanoc, Panganiban, Viga, Gigmoto, Baras, San Miguel)
Lalapit ito sa Extreme Northern Luzon sa pagitan ng Biyernes ng gabi hanggang Sabado ng umaga.
Pagkatapos ay tatawid ito sa southern islands ng Japan at maaaring maglandfall o lumapit sa hilagang bahagi ng Taiwan.
Inaasahang lalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang Bagyong Inday sa Sabado ng umaga o hapon. RNT/JGC