Home NATIONWIDE Hustisya ipinanawagan sa pagpatay sa 2 istriktong pulis

Hustisya ipinanawagan sa pagpatay sa 2 istriktong pulis

2
0

MANILA, Philippines – Ipinanawagan ang hustisya sa pagpatay sa dalawang pulis sa Sultan Kudarat noong Martes ng gabi, na ayon sa mga awtoridad ay may kaugnayan sa trabaho ang motibo ng pananambang.

Matatandaan na tinambangan sina Patrolmen Joerel Bullos at Apollo Pagurayan Barangay Tinumiguis, Lambayong, alas-7 ng gabi.

Sakay ang mga ito ng motorsiklo pabalik sa kanilang border control checkpoint sa boundary ng Lambayong at Sultan sa Barongis, Maguindanao del Sur nang sila ay tambangan ng mga gunman na mayroong M16 rifles habang tinatawid ang Tinumiguis Bridge.

Ang mga napatay na pulis ay miyembro ng 1202nd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion-12.

Kinondena naman ni Brig. Gen. Alan Manibog, Police Regional Office 12 director, ang ambsh at nakiramay sa pamilya ng mga nasawi.

Ipinag-utos na niya ang malalimang imbestigasyon sa pananambang upang mapanagot ang mga pumatay.

Tinukoy din ang aktibong tungkulin nito sa opearasyon sa border control checkpoint.

“They were aggressive in enforcing the law and had several significant accomplishments. Most likely, some individuals were offended by their strict implementation of the law,” sinabi ni Manibog.

Mayroon na ring mga natukoy na persons of interest sa pananambang.

“We have persons of interest and we are searching for them. In due time, justice will be served.”

“We stand united in prayer, asking for strength, comfort, and hope for those left behind. May justice prevail and may those responsible for this crime be held accountable without delay,” pakikiramay naman ni South Cotabato Gov. Reynaldo Tamayo Jr. sa pamilya ng mga biktima. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here