Home METRO Bebot hinoldap, pinagsamantalahan sa loob ng sasakyan sa Pampanga

Bebot hinoldap, pinagsamantalahan sa loob ng sasakyan sa Pampanga

3
0

PAMPANGA – Isang 30-anyos na babae ang hinoldap at pinagsamantalahan sa loob ng kaniyang sasakyan ng isang lalaki na nagpakilalang pulis sa Angeles, Pampanga.

Sinabi ng biktima na naka-park ang kaniyang sasakyan sa parking area ng isang hotel nang lapitan siya ng suspek.

Tinutukan umano siya ng baril ng suspek, pinaupo sa passenger seat, at saka pinaandar ang sasakyan.

Itinigil umano ng salarin ang sasakyan sa isang bakanteng lote, kung saan naganap ang pang-aabuso.

Kinuha rin umano ng suspek ang cellphone at P13,000 cash ng biktima.

Kinalaunan, ibinalik ng lalaki ang sasakyan sa parking area habang nasa loob pa ang biktima. May nakakita sa kaniya at agad siyang tinulungan.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya at pagtugis sa suspek. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here