Home NATIONWIDE Habagat na pinalakas ni Inday nagdulot ng pagbaha sa Mindanao

Habagat na pinalakas ni Inday nagdulot ng pagbaha sa Mindanao

3
0

MANILA, Philippines – Nagdulot ng pagbaha at pinsala sa ilang bahagi ng Mindanao ang Southwest Monsoon o Habagat na pinalakas ng bagyong Inday.

Gumuho rin ang bahagi ng isang tulay sa Maitum, Sarangani matapos lumakas ang agos ng ilog dahil sa malakas na ulan.

Sa Palimbang, Sultan Kudarat, nagulat ang mga residente sa biglang pagpasok ng maputik na baha wala pang isang oras bago bumuhos ang ulan. Ayon sa kanila, pinalala ang pagbaha ng pag-apaw ng kalapit na sapa na naging mababaw na dahil sa siltation.

Sa Bagumbayan, Sultan Kudarat, nagtulungan ang mga estudyante at guro ng isang paaralan sa pag-aalis ng mga basurang bumara sa daluyan ng tubig sa gitna ng pagbaha sa kanilang lugar.

Ganito rin ang sitwasyon sa isang paaralan sa Kalamansig, kung saan sinubukan ng mga guro na maisalba ang kanilang mga gamit mula sa binahang mga silid-aralan.

Sa Pigcawayan, Cotabato, lumusong sa hanggang binting baha ang mga residente, habang nasira naman ang bahagi ng city highwalk sa Kidapawan dahil sa pag-ulan.

Sa Talayan, Maguindanao del Sur, nagsagawa ng rescue operation ang mga awtoridad para sa mga residenteng naapektuhan ng hanggang dibdib na baha. Sa Maguindanao del Norte, gumamit naman ng lubid ang mga rescuer upang makatawid sa baha.

Sa Luzon, malalaking alon naman ang namataan sa Basco, Batanes, na isinailalim sa Signal No. 2 dahil sa super typhoon. Malalaking alon din ang naitala sa Dilasag, Aurora. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here