Home METRO 4 bumbero tinambangan sa Lanao Sur, 1 patay

4 bumbero tinambangan sa Lanao Sur, 1 patay

4
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang bumbero habang sugatan ang isa pa matapos silang tambangan ng riding-in-tandem habang sakay ng pickup truck sa Calanogas, Lanao del Sur noong Miyerkoles ng gabi.

Base sa paunang imbestigasyon, sinabing kasama ng mga biktima ang dalawa pang bumbero nang tambangan sila sa bahagi ng Barangay Bubongaranao.

Nasawi ang 36-anyos na biktima, habang sugatan naman ang isa pa. Ligtas ang dalawa pa nilang kasamahan, kabilang ang isang babae.

Nakatalaga umano ang mga bumbero sa Bureau of Fire Protection sa bayan ng Malabang.

Inaalam ng pulisya kung mistaken identity o rido, o away ng pamilya, ang motibo sa krimen.

“Puwedeng mistaken (identity) because accordingly yung sasakyan bago lang hiniram pa nila. Baka ‘yon yung target or possibly itong rido sa Malabang area,” ayon kay Lanao del Sur Police Provincial Office Director Col. Ceazar Cabuhat.

Dalawang persons of interest na ang natukoy ng mga awtoridad sa kaso.

“We have two POI’s hindi muna natin masabi kung sino but hopefully the investigation will give us information based doon sa kagabi at sa mga tao,” sabi ni Cabuhat. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here