Home NATIONWIDE 4 estudyante naospital sa hinihinalang chemical leak sa Leyte

4 estudyante naospital sa hinihinalang chemical leak sa Leyte

2
0

MANILA, Philippines – Naospital ang apat na Grade 12 students ng Baybay City Senior High School nitong Huwebes ng hapon, Hulyo 9, matapos makaranas ng respiratory at skin irritation, pagsusuka at ang iba ay nahimatay pa, kasunod ng exposure sa hindi pa tukoy na kemikal sa loob ng paaralan.

Nangyari ang insidente alas-2 ng hapon sa Room 18 ng Baybay City Senior High School, Baybay City, Leyte.

Ang biktima na pawang 17 anyos ay binubuo ng dalawang lalaki at dalawang babae.

Hindi na pinangalanan ng pulisya ang mga menor de edad.

Ayon sa Baybay City Police Station, nakatanggap ang mga awtoridad ng report bandang 2:30 ng hapon na ilang estudyante umano ang nahimatay dahil sa hinihinalang chemical leak sa loob ng paaralan.

Agad na nagtungo sa lugar ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Baybay Fire Station, lead responding unit, at Baybay City Police Station para suriin ang sitwasyon.

Ininspeksyon ng mga tauhan ng BFP ang paaralan at walang nakitang bakas ng checmical leak, hazardous substance, o residue.

Sinabi ng mga estudyante sa mga imbestigador na nasa loob sila ng silid-aralan nang bigla silang na-expose sa isang odorless substance.

Kalaunan ay naramdaman nila ang burning senstation sa kanilang mata, lalamunan, nasal pain, skin irritation, pagsusuka at ang iba ay nawalan pa ng malay.

Agad na isinugod sa Immaculate Conception Hospital ang mga biktima para sa gamutan na ngayon ay nasa stable nang kondisyon.

Nakipag-ugnayan na ang mga awtoridad sa Regional Forensic Unit 8 sa Ormoc City para magsagawa ng laboratory examinations at matukoy ang nature at komposisyon ng substance na nalanghap ng mga estudyante. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here