Home METRO Maynila, naghahanda laban sa heat stroke, kakulangan sa tubig dahil sa El...

Maynila, naghahanda laban sa heat stroke, kakulangan sa tubig dahil sa El Niño

3
0

MANILA, Philippines – Naghahanda na ang Lungsod ng Maynila laban sa posibleng matinding epekto ng El Niño sa kalusugan ng mga residente at suplay ng tubig.

Kabilang sa mga hakbang ang paglalaan ng hydration room sa Emergency Department ng Gat Andres Bonifacio Medical Center (GABMC) para sa mga pasyenteng nangangailangan ng agarang pangangalaga dahil sa matinding init.

Ayon sa lokal na pamahalaan, bahagi ito ng direktiba ni Mayor Isko Moreno na tiyakin ang kahandaan ng mga pasilidad pangkalusugan sa harap ng banta ng El Niño.

Inatasan din ng alkalde ang Manila Health Department (MHD) at pamunuan ng GABMC na maghanda ng mga medikal na suplay at pasilidad, at tutukan ang mga sakit na dulot ng matinding init, kabilang ang heat stroke.

Samantala, inatasan ang Manila City Disaster Risk Reduction and Management Department (MDRRMD) na maghanda ng mga konkretong hakbang upang matugunan ang posibleng kakulangan sa tubig.

Pinaalalahanan din ang mga residente na magtipid at makiisa sa wastong paggamit ng tubig habang umiiral ang El Niño. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here