Home NATIONWIDE Lalaki patay sa hit and run sa Cavite

Lalaki patay sa hit and run sa Cavite

2
0

MANILA, Philippines – Isang lalaking patay sa gilid ng kalsada ang natagpuan na pinaniniwalaang biktima ng hit and run sa Carmona City, Cavite.

Ayon sa report, kinilala ang biktima na si alyas Ren, base na rin sa nakuhang drivers license dito.

Batay sa ulat ng Carmona Component City Police Station, bandnag alas-12:30 ng madaling araw ay nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concern citizen kaugnay sa isang lalaki na nasa gilid ng kalsada sa kahabaan ng Davian Road, Brgy Lantic ng nasabing lugar.

May teorya ang pulisya na maaaring nasagasaan ito at walang nakapansin hanggang sa nakaladkad ang biktima.

Patuloy namang nagsasagawa ng backtracking ang pulisya sa mga CCTV footage sa lugar para matukoy ang sasakyan na posibleng nakasagasa sa biktima. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here