Home NATIONWIDE Taxi operator ipinatawag matapos mahuli drayber na nagla-livestream

Taxi operator ipinatawag matapos mahuli drayber na nagla-livestream

3
0

MANILA, Philippines – Ipinatawag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang operator ng taxi kung saan nahuli ang drayber nitong nagla-livestream habang nagmamaneho.

Sa pahayag, sinabi ni LTFRB Chair Vigor Mendoza II na inisyu ang show cause order sa operator batay sa pinakahuling memorandum circular (MC) na nagpapaalala sa public utility vehicle (PUV) operators na sabihan ang mga drayber na huwag mag-vlog at magsagawa ng iba pang social media content habang nagmamaneho.

Sa ilalim ng MC 2026-050, pinalalakas ng LTFRB ang Republic Act 10913, o “Anti-Distracted Driving Act,” na naglalayong ingatan ang publiko mula sa road crash dahil sa paggamit ng mobile telecommunications devices at iba pang electronic at computing devices habang nagmamaneho.

“We made it clear to the PUV operators through our memorandum that we will not tolerate such action because it endangers the lives of not only the driver and the passengers but also other road users,” dagdag pa.

Inisyu ng LTFRB ang MC matapos mapansin ng ahensya ang tumataas na bilang ng mga PUV driver na nagba-vlog at nagsasagawa ng content creation habang nagmamaneho.

Sa SCO, pinagpapaliwanag ang operator kung bakit hindi dapat suspendihin o kanselahin ang Certificate of Public Convenience nito at hindi pagmultahin ng P5,000.

Iginiit ni Mendoza na ito ay babala sa iba pang PUV operators na ang content creation habang nagmamaneho ay ipinagbabawal, at ang social media team ng LTFRB ay aktibong tinutukoy ang mga kaparehong kaso.

Nanawagan din siya sa publiko na ireport ang mga insidente sa mga opisyal, sa LTFRB platforms.

“All our roads will be safer once we work together to run after abusive and erring drivers who compromise road safety. Please let us know of any violation, and we will take care of the rest,” aniya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here