Home NATIONWIDE 455K bote ng antiretroviral drugs na ipamamahagi sa HIV patients sinuri ng...

455K bote ng antiretroviral drugs na ipamamahagi sa HIV patients sinuri ng DOH

3
0

MANILA, Philippines – Sinuri ng Department of Health (DOH) nitong Biyernes ang 455,188 bote ng antiretroviral (ARV) drugs na nakatakdang ipamahagi sa mga taong nabubuhay na may HIV (PLHIV) simula sa susunod na linggo.

Binubuo ang kargamento ng Lamivudine + Tenofovir + Dolutegravir (LTD) formulations, na siyang unang tranche ng inaasahang 1.2 milyong units ng mga HIV commodity, ayon sa DOH sa isang news release.

Pinatunayan ng DOH na ligtas, epektibo, de-kalidad, rehistrado sa Food and Drug Administration, at handa na para sa agarang distribusyon ang mga ARV.

Inaasahang darating sa mga susunod na linggo ang natitirang batch ng unang tranche at sasailalim din ito sa parehong proseso ng inspeksyon.

Nakaschedule naman ang ikalawa at ikatlong tranche sa pagitan ng Agosto at Setyembre.

Ayon sa DOH, naapektuhan ng kasalukuyang tensyon sa geopolitika sa Middle East ang iskedyul ng paghahatid ng mga HIV commodity sa bansa.

Sa kabila ng mga hamon sa logistic, tiniyak ng ahensya sa publiko na patuloy nitong mino-monitor at pinamamahalaan ang supply chain upang matiyak na hindi mapuputol ang gamutan at pangangalaga para sa mga PLHIV. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here