Home NATIONWIDE ‘Pulis Pamayanan’ kinagigiliwan, nirerespeto sa Bulakan

‘Pulis Pamayanan’ kinagigiliwan, nirerespeto sa Bulakan

1
0

Bulacan – Kinagigiliwan ngayon ng mga kabataang estudyante, guro at mga magulang ang magalang na pulis na kanilang madalas na makadaupang-palad sa kanilang paaralan sa bayan ng Bulakan.

Sa ulat, kinilala ang kinagigiliwang “Pulis Pamayanan” at minsang tinaguriang “Gwapulis” na si PMSG Eduardo Isla ng Bulakan Municipal Police Station.

Halos sa araw-araw ay nakakadaupang-palad ng mga estudyante at kanilang mga magulang ang alagad ng batas na ito bilang bahagi ng kampanya laban sa bullying, kriminalidad at upang matiyak ang kaligtasan at kanilang seguridad.

Tila Itinuturing na rin ng mga estudyante ang nasabing pulis bilang isang kuya o parang pangalawang magulang sa paaralan na gumagabay sa kanila sa tuwing nakakahalubilo nila ito.

Maging ang mga kabaro niya sa istasyon ay nirerespeto rin ng nakakaraming mamamayang Bulakenyo dahil sa sipag at dedikasyon sa kanilang serbisyo sa ilalim ng pamumuno ni PLTCOL Lynelle F. Solomon.

Kapansin-pansin din umano ang walang-patid na pagpapatrulya ng mga ito sa mga establisimento, simbahan, paaralan at iba pang matataong lugar.

Madalas din mamataan ng mga Bulakenyo ang mga nakalatag na check point ng mga pulis sa araw at gabi sa mga lagusan para tiyaking mapayapa at ang kaayusan sa nasabing bayan.

Katunayan, nasakote ng mga pulis sa check point ang P204,000 halaga ng kontrabandong sigarilyo sa Brgy. San Nicolas at mabilis na nahuli rin sa kanilang pagresponde ang noturyos na karnaper ng rolling malunggay pandesal sa Brgy. Tibig kamakailan.

Kaugnay nito, nitong Biyernes, Hulyo 10, kinikilala ang Bulacan Police Provincial Office bilang Top Performing Police Provincial Office sa PRO3 sa buwan ng Hunyo sa ilalim ng pamumuno ni PCOL. Jay B. Baybayan, Acting Provincial Director. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here