Home NATIONWIDE Teodoro sa DOH: Chinese scholars sa likod ng Batanes claim suriin, baka...

Teodoro sa DOH: Chinese scholars sa likod ng Batanes claim suriin, baka kailangan ng ‘medical help’

1
0

MANILA, Philippines – SINABI ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na tila kailangan ng ‘medical help’ ng mga Chinese scholars na nagsabing bahagi ng Tsina ang Batanes.

Pabirong sinabi ni Teodoro na dapat suriing mabuti ni Health Secretary Teodoro Herbosa ang mga nasa likod ng panggigiit n apag-aari ng Tsina ang Batanes dahil labag ito sa international law, Philippine Constitution, at labag sa normal na pag-iisip ng tao.

At nang tanungin si Teodoro kung sang-ayon ba ito sa panawagan na mas matibay at malakas ang dapat na maging tugon ng Pilipinas sa pag-angkin na ito ng Tsina, sinabi ni Toedoro na “Dapat talaga strong ang pushback natin diyan.

“Regarding the people who did that, I think we should bring (them) to Secretary Herbosa, to determine what’s wrong with them,” aniya pa rin.

Nauna rito, tinawag ni Teodoro na “baseless and ludicrous,” ang hirit ng ilang Chinese scholar na bahagi ng Tsina ang Batanes dahil parte umano ang naturang isla ng Taiwan, na nais ding makontrol ng Beijing.

Ayon sa kalihim, nakababahala to dahil maaaring mapaniwala ang mga mamamayan ng Tsina.

Ginawa ni Teodoro ang pahayag kasunod ng mga ulat na ilang mananaliksik mula sa Chinese universities and institutes sa Tsina na nagsasabi na walang sapat na makasaysayan at legal na batayan ang Pilipinas sa pamamahala sa Batanes.

Napagpasyahan umano ng mga iskolar na ang mga isla ay isang heograpikal na karugtong ng Taiwan at dahil dito, ang soberanya nito ay kabilang sa Tsina.

Ang deklara ng mga scholar, ang mga isla ng Batanes ay karugtong ng Taiwan, na tinatawag ng Tsna na rebeldeng lalawigan nila.

Para sa Kalihim, pagpapatunay ito na may plano ang Tsina na kontrolin ang Pacific Ocean.

Samantala, sinabi rin ni Teodoro na ang mga maling pahayag ng Tsina ay lalong magpapatibay sa pagkakaisa ng ibang mga bansa laban sa “irresponsible behavior” ng Beijing. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here