Home NATIONWIDE Mga barko sa mga pantalan sa Northern Quezon balik biyahe na

Mga barko sa mga pantalan sa Northern Quezon balik biyahe na

2
0

MANILA, Philippines – Balik na ang biyahe sa dagat para sa lahat ng sasakyang pandagat sa hilagang bahagi ng lalawigan ng Quezon nitong Biyernes, Hulyo 10, matapos alisin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang gale warning sa lugar.

Sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) station sa bayan ng Real na inalis nila ang pagbabawal sa biyahe sa dagat matapos ang 5 p.m. advisory ng Pagasa na nag-anunsyo ng pag-alis ng babala sa malakas hanggang sa gale-force na hanging dala ng Bagyong “Inday” sa Polillo Group of Islands.

Kabilang sa isla na nakaharap sa Karagatang Pasipiko ang mga bayan ng Polillo, Burdeos, Panukulan, Jomalig, at Patnanungan.

Noong Miyerkules ay sinuspinde ng PCG ang biyahe sa dagat para sa maliliit na sasakyang may 250 gross tonnage o mas mababa, kabilang ang mga de-motor na pampasahero at bangkang pangisda, sa hilagang bahagi ng lalawigan dahil sa maalon na dagat.

Ipinasailalim sa suspensyon ang mga ito matapos magdulot ng maalon hanggang sa napakaalon na karagatan ang malakas hanggang sa gale-force na hangin dala ni Inday. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here