MANILA, Philippines – Nagpahayag ng matinding pag-aalala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa muling paglala ng tensyon sa pagitan ng United States at Iran matapos ideklara ng US na tapos na ang kanilang tigil-putukan.
Ayon sa DFA, nananawagan ang Pilipinas sa lahat ng panig na magpakita ng pagpipigil at bumalik sa usapang diplomatiko upang makamit ang pangmatagalang kapayapaan.
Sinabi rin ng DFA na wala pang naiuulat na Pilipinong nasawi o nasugatan sa gitna ng panibagong tensyon sa Gulf at Strait of Hormuz.
Nauna nang sinabi ni US President Donald Trump na magpapatuloy ang negosasyon ng dalawang bansa, ngunit idineklara niyang tapos na ang ceasefire.
Mas maaga ngayong linggo, nagsagawa ang US ng mga airstrike sa mahigit 80 target ng Iran sa paligid ng Strait of Hormuz bilang tugon sa umano’y pag-atake ng Iran sa tatlong commercial vessel. RNT/MDS