Home LIFESTYLE HEALTH Unang charity Bone Marrow Transplant Unit sa bansa, binuksan sa PGH

Unang charity Bone Marrow Transplant Unit sa bansa, binuksan sa PGH

3
0

MANILA, Philippines – Pormal nang binuksan sa Philippine General Hospital (PGH) ang kauna-unahang charity Bone Marrow Transplant Unit sa bansa upang mabigyan ng mas malaking pagkakataon ang mga batang may kanser na makatanggap ng gamutan.

Ang pasilidad ay bunga ng pagtutulungan ng I Want To Share Foundation (IWTS) at PGH.

Dumalo sa pagbubukas si First Lady Liza Araneta-Marcos, kasama ang mga opisyal ng PGH at UP Manila, mga healthcare worker, donor, at mga batang pasyente at kanilang pamilya.

Matatagpuan ang pasilidad sa Right Central Block ng PGH at magsisilbi sa mga batang may leukemia at iba pang malulubhang sakit sa dugo, kung saan ang bone marrow transplant ang isa sa pinakamabisang ngunit mamahaling gamutan. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here