Home NATIONWIDE Nakumpiskang P980M ismagel yosi, inimbestigahan ng BOC, NBI

Nakumpiskang P980M ismagel yosi, inimbestigahan ng BOC, NBI

1
0

MANILA, Philippines – Nagsagawa ang Bureau of Customs (BOC) at National Bureau of Investigation (NBI) ng inspeksyon sa mga nakumpiskang iligal na sigarilyo na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱980 milyon noong Hulyo 11.

Ang 25 container na sinuri ay bahagi ng 59 container na nasabat sa kanilang tuloy-tuloy na operasyon laban sa smuggling. Tinatayang aabot sa ₱3 bilyon ang kabuuang halaga ng lahat ng nakumpiskang iligal na sigarilyo.

Ayon sa BOC, natunton ang mga container dahil sa impormasyong ibinigay ng NBI. Ang iba pang nasabat na container ay nananatiling nasa kustodiya ng pamahalaan habang nagpapatuloy ang imbestigasyon at mga kasong isasampa.

Iginiit ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno na ipagpapatuloy ng ahensya ang kampanya laban sa smuggling at pananagutin ang lahat ng sangkot sa iligal na kalakalan.

Samantala, sinabi ni NBI Director Melvin Matibag na patuloy silang makikipagtulungan sa BOC upang imbestigahan at usigin ang mga organisadong grupo ng smugglers.

Nilagdaan din ng BOC, NBI, at iba pang law enforcement agencies ang isang memorandum of agreement upang palakasin ang pagbabahagi ng impormasyon, magkasanib na operasyon, at mas maigting na kampanya laban sa smuggling. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here