Home TOP STORIES 8 utas sa panibagong pag-atake ng Russia sa Ukraine

8 utas sa panibagong pag-atake ng Russia sa Ukraine

3
0

KYIV, Ukraine – Hindi bababa sa walong katao ang nasawi at dose-dosenang iba pa ang nasugatan matapos maglunsad ang Russia ng missile, drone, at guided bomb attacks sa iba’t ibang bahagi ng Ukraine noong Sabado.

Sa Kyiv, 12 katao, kabilang ang dalawang bata, ang nasugatan matapos tamaan ng mga missile ang kabisera. Nasira rin ang mga apartment, opisina, at isang theological school.

Sa Sumy, limang katao, kabilang ang isang batang babae, ang namatay matapos tamaan ng guided bomb. Dalawa pa ang nasawi sa Odesa, habang isa ang namatay sa Sloviansk.

Ayon kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky, mahigit 120 drone at 12 missile ang pinakawalan ng Russia, kalahati rito ay ballistic missiles. Bagama’t marami ang napabagsak ng air defense, hindi nito napigilan ang karamihan sa mga ballistic missile.

Muli ring nanawagan si Zelensky sa mga kaalyado, lalo na sa Estados Unidos, na pabilisin ang pagbibigay ng karagdagang air defense systems upang maprotektahan ang mga sibilyan.

Samantala, sinabi ng Russia na ang kanilang tinamaan ay mga military-industrial facilities sa Kyiv at seaport infrastructure sa Odesa, at iginiit nitong hindi sila sadyang tumatarget ng mga sibilyan. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here