Home NATIONWIDE Pag-iwas sa conflict of interest, ipinanawagan ni Ombudsman Remulla: Pumili kung negosyo...

Pag-iwas sa conflict of interest, ipinanawagan ni Ombudsman Remulla: Pumili kung negosyo o pulitika

2
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si Ombudsman Jesus Crispin Remulla sa mga opisyal ng pamahalaan na iwasan ang conflict of interest at pumili lamang kung negosyo o pulitika ang kanilang uunahin.

Aniya, “Itong conflict of interest, tigilan na natin. Let’s set a standard in our country of decency.” Dagdag pa niya, “Magnegosyo ka kung gusto mo, pero huwag kang magpo-politika.”

Sinabi ni Remulla na hindi lamang mga party-list ang sangkot sa pagiging government contractor dahil may mga district congressman din umano na may ganitong gawain.

Samantala, kinumpirma ni Assistant Ombudsman Mico Clavano na iniimbestigahan ang dalawang mambabatas dahil sa umano’y paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act. Sila ay sina Uswag Ilonggo Rep. Jojo Ang at Tarlac 3rd District Rep. Noel Rivera, na umano’y may kaugnayan sa mga construction business habang nasa puwesto.

Bukod dito, sinabi rin ni Remulla na walong “congtractors” ang iniimbestigahan kaugnay ng umano’y anomalya sa mga proyekto sa flood control. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here