Home NATIONWIDE Diokno, De Lima: Impeachment trial laban kay VP Sara, laban din sa...

Diokno, De Lima: Impeachment trial laban kay VP Sara, laban din sa kultura ng karahasan

5
0

MANILA, Philippines – Sinabi nina Akbayan Rep. Chel Diokno at Mamamayang Liberal Rep. Leila de Lima na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ay hindi lamang tungkol sa pananagutan sa mga alegasyon laban sa kanya, kundi pati sa pagtutol sa kultura ng karahasan at kawalan ng pananagutan.

Ayon kay De Lima, ang umano’y mga pagbabanta ni Duterte laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating Speaker Martin Romualdez ay bahagi ng mas malawak na pattern ng mararahas na pahayag.

Binanggit din niya ang mga na-authenticate na video na nagpapakita ng iba pang umano’y pahayag ni Duterte, kabilang ang tungkol sa pagpugot sa ulo ng Pangulo at paghuhukay sa labi ng ama nito upang itapon sa West Philippine Sea.

Ani De Lima, ang ganitong asal mula sa isang mataas na opisyal ay maaaring magbigay ng maling mensahe na katanggap-tanggap ang pagbabanta at karahasan.

Samantala, sinabi ni Diokno na naging normal ang karahasan sa panahon ng war on drugs ng dating administrasyon. Aniya, dapat pag-aralan kung may kaugnayan ito sa tumataas na insidente ng karahasan, kabilang ang mga insidente sa mga paaralan.

Tatlong araw nang tinatalakay ng Senado ang Article IV ng Articles of Impeachment. Inaasahang maghahain pa ang prosekusyon ng tatlo pang testigo sa susunod na linggo upang palakasin ang kanilang ebidensya. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here