Home METRO Babaeng most wanted nalambat ng mga parak sa Bulacan manhunt ops

Babaeng most wanted nalambat ng mga parak sa Bulacan manhunt ops

3
0
Bulacan PPO photo

BULACAN, Philippines – Arestado sa bisa ng Warrant of Arrest (WOA) ang Most Wanted Person sa intelligence-driven operation manhunt operation ng mga awtoridad sa lungsod ng Malolos noong Biyernes, Hulyo 10.

Sa ulat ni PMAJ. Mark Anthony E. Tiongson, Acting Chief ng Provincial Intelligence Unit (PIU), Bulacan Police Provincial Office, kinilala ang akusado na si alyas “Lin”, 33.

Ayon sa ulat, ikinasa ang operasyon laban sa akusado bandang 12:10 ng tanghali ng pinagsanib puwersa ng PIU, Bulacan 1st Provincial Mobile Force Company at Malolos police station.

Nabatid na ang WOA ay inilabas noong Hulyo 3, 2026 ng Regional Trial Court, Branch 15, Malolos City na ang akusado ay nahaharap sa tatlong bilang ng Violation of Syndicated Illegal Recruitment in relation to Section 6 ng Republic Act No. 10175 na walang inirekomendang piyansa at isang bilang ng Estafa in relation to 6 ng Republic Act 10175 na may piyansang P3,000.00.

Ipinaalam ng mga awtoridad sa akusado ang kanyang mga karapatang konstitusyonal bago siya dinala sa Bulacan Medical Center para sa physical examination at pagkatapos ay sinama sa himpilan para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here