Home METRO Rehab ng Navotas fish port, ininspeksyon ni PBBM

Rehab ng Navotas fish port, ininspeksyon ni PBBM

1
0

MANILA, Philippines – Personal na ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nagpapatuloy na rehabilitasyon ng Navotas Fish Port Complex (NFPC).

Ang modenisasyon ng pinakalamaking fish trading hub sa bansa ay makapagpapahusay sa pangkabuhayan ng mga mangingisda at makatutulong na maging matatag ang food supply para sa mga filipino.

Sa isang post sa official Facebook page, araw ng Linggo, in-upload ng Pangulo ang mga larawan at video ng kanyang pag-inspeksyon sa 50-year-old fish port kasama si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.

“With a more modern and better-equipped port, operations will become safer and more efficient, the livelihoods of our fishermen, traders, and others who depend on the fishing industry will improve, and we will help ensure a steady supply of high-quality food for our fellow Filipinos,” anito.

Winika pa ni Pangulong Marcos, personal niyang ininspeksyon ang rehabilitasyon ng 49-hectare Navotas Fish Port Complex (NFPC) upang na tiyak na “our infrastructure keeps pace with the growing needs of the fisheries sector.”

Ang pag-inspeksyon ng Pangulo ay orihinal na itinakda noong Hulyo 7, gabi ng nasabing petsa subalit ipinagpaliban sa hindi malamang dahilan.

Sa kabilang dako, inaprubahan naman ng Philippine Fisheries Development Authority (PFDA), isang ahensiya sa ilalim ng Department of Agriculture na nago-operate ng NFPC, ang P1.6-billion infrastructure program noong Hunyo para i-upgrade ang mahalagang fisheries facilities sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Sinabi ng PFDA na kabilang sa third phase ng NFPC Modernization Program ay ang rehabilitasyon ng Market Halls 1 at 2. Ang proyekto ay inaasahan na makokompleto sa Disyembre.

Inaprubahan din ng PFDA ang second phase ng NFPC Shipyard Development Project para paluwagin ang operasyon at paghusayin ang support services para sa fishing vessels. ang proyekto ay nakatakdang matapos o makompleto sa Hunyo sa susunod na taon.

Ang planong pag-upgrade ay naglalayong palalawakin ang complex ng halos 25 ektarya.

Direktang mapakikinabangan naman ng 30,000 katao ang NFPC, ang bilang ay tumataas ng hanggang 50,000 sa panahon ng peak season.

Samantala, nabawi ang complex noong 1977 sa panahon ng administrasyon ni Marcos Sr. at mula noon ay naging pinakamalaking fish port sa bansa at isa sa pinakamalaki sa Asya. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here