Home ENTERTAINMENT Ogie, aminadong hindi bet ang asawa ni Leila!

Ogie, aminadong hindi bet ang asawa ni Leila!

2
0

Manila, Philippines – Aminado si Ogie Alcasid na noong una’y hindi niya bet ang karelasyon ng kanyang anak na si Leila na si Mito Fabie Curtismith.

Si Leila ay anak ng singer-songwriter kay Miss Australia 1994 Michelle van Eimereen.

Labag nga sa kalooban ni Ogie ang pagli-live in noon nina Leila at Mito.

Pero nakuha na ring tanggapin ni Ogie ang kanyang manugang na ngayon.

Pag-amin ni Ogie: “Iniisip ko pa nga lang, eh, naiiyak na ako!”

Katwiran kasi ng ama noon, kahit 28 anyos na raw ang anak ay “little girl” pa rin ang turing niya rito.

At pasasaan nga ba’t matatanggap din ni Ogie ang kanyang son-in-law?

“Oh, yes! He’s a good man! Salamat sa pag-aalaga niya sa anak ko!” aniya.

Sa Australia idinaos ang pag-iisang-dibdib nina Leila at Mito.

Of course, what comes next for Ogie ay ang pagiging expectant grandpa nito once Leila gives birth to her child by Mito. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here