MAYNILA – Isinusulong ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagpapalawak ng electric vehicle (EV) charging at battery-swapping stations sa buong bansa upang mabigyan ng mas matipid at mas maginhawang biyahe ang milyun-milyong Pilipinong gumagamit ng motorsiklo.
Nakipagpulong ang DTI sa mga opisyal ng Vietnamese electric vehicle manufacturer na VinFast upang talakayin ang expansion plans ng kumpanya at ang regulatory framework para sa pagtatayo ng EV charging at battery-swapping stations sa Pilipinas.







