Home TOP STORIES Bilang ng nasawi sa lindol sa Venezuela, umabot na sa higit 4,300

Bilang ng nasawi sa lindol sa Venezuela, umabot na sa higit 4,300

3
0

CARACAS, Venezuela – Umakyat na sa 4,333 ang bilang ng mga nasawi sa magkasunod na malalakas na lindol na tumama sa Venezuela noong nakaraang buwan, ayon kay National Assembly President Jorge Rodriguez.

Noong Hunyo 24, yumanig ang magnitude 7.2 at 7.5 na lindol sa Caracas at La Guaira, na nagpaguho sa maraming gusali at apartment.

Mahigit 19,000 katao ang nananatili sa mga evacuation camp, habang tinatayang 50,000 pa ang nawawala, ayon sa United Nations.

Patuloy ang paghahanap sa mga nawawala at tiniyak ng pamahalaan na hindi ititigil ang retrieval operations.

Tinatayang 25,000 bahay ang kakailanganin para sa mga nawalan ng tirahan. Naghahanda na rin ang pamahalaan na magbigay ng mga apartment at magtayo ng mga bagong pabahay sa mas ligtas na lugar.

Samantala, muling hiniling ni Interim President Delcy Rodriguez sa King Charles III ng United Kingdom na palayain ang reserbang ginto ng Venezuela na kasalukuyang nasa Bank of England. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here