Home NATIONWIDE ARBs sa Zamboanga Sibugay inihahanda ng DAR maging agripreneur

ARBs sa Zamboanga Sibugay inihahanda ng DAR maging agripreneur

3
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ng 31 agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa Zamboanga Sibugay na handa na ito ngayon pamahakaan at palaguin ang kanilang mga sakahan bilang mga negosyo matapos nilang makapagtapos sa Farm Business School (FBS) ng Department of Agrarian Reform (DAR).

Auon sa DAR ang mga nagtapos ay pawang miyembro ng Tungawan Coconut and Oil Palm Planters Marketing Cooperative (TUCCOPMACO). Tinanggap nila ang kanilang mga sertipiko sa ginanap na FBS Graduation Ceremony noong Hulyo 7 sa Sports Complex sa Masao, Tungawan, Zamboanga Sibugay.

Sa loob ng 17 sessions ng pagsasanay, natutunan ng mga ARB ang pagpaplano ng negosyo sa bukid, pamamahala ng pananalapi, marketing, at pagpapaunlad ng mga farm enterprise. Layunin ng programa na mapataas ang ani, madagdagan ang kita, at mapalakas ang kabuhayan ng mga magsasaka.

Isa sa mga tampok ng seremonya ang simbolikong paglilipat ng sablay, na sumisimbolo sa kanilang paglipat mula sa pagiging mga mag-aaral tungo sa pagiging mga agripreneur na handang isabuhay ang kanilang mga natutuhan. Kinilala rin ng DAR ang mga natatanging nagtapos sa kanilang ipinakitang husay sa pagsasanay.

Sa kanyang mensahe, hinikayat ni OIC-Provincial Agrarian Reform Program Officer II Noemi Barretto ang mga nagtapos na gamitin ang kanilang natutuhan upang makabuo ng mas produktibo at mas kumikitang mga farm enterprise.

Ang Farm Business School ay isa sa mga pangunahing programa ng DAR na nagpapalakas sa kakayahan ng mga ARB na maging matagumpay na farmer-entrepreneurs.

Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng DAR, sa ilalim ng direktiba ni Secretary Conrado M. Estrella III, na samahan ang pamamahagi ng lupa ng mga programang magpapataas ng produksyon, kita, at kabuhayan ng mga magsasaka. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here