Home NATIONWIDE Rider na nag-counterflow patay sa bangga ng SUV

Rider na nag-counterflow patay sa bangga ng SUV

3
0

MANILA, Philippines – Isang 39-anyos na motorcycle rider ang namatay makaraang mag couterflow ito at sumalpok sa kasalubong na sasakyan sa kahabaan ng Governors Drive, Brgy Hugo Perez, Trece Martires City, Cavite.

Sa nakalap na report, bandang 11:30 ng gabi nang maganap ang aksidente kung saan magkasalubong na bumibiyahe ang dalawang sasakyan.

Base sa imbestigasyon ng Trece Martires Component City Police Station (CCPS),
ang Honda ADV na minamaneho ng biktima na patungong Trece Martires City Proper, habang ang Toyota Rush naman ay patungo sa General Trias City.

Pagsapit sa isang kurbadang bahagi ng kalsada sa Purok 6, umano’y biglang napunta sa kabilang linya o nag-counterflow ang motorsiklo, dahilan upang direkta itong sumalpok sa kasalubong na Toyota Rush.

Dahil sa lakas ng impact at pagkakasalpok ng motor sa sasakyan ay nagtamo ang rider ng matinding pinsala sa ulo at katawan.

Dakong 11:59 ng gabi ay agad isinugod ang rider sa General Emilio Aguinaldo Memorial Hospital (GEAMH), subalit hindi na ito umabot pang buhay ayon sa doktor na tumingin sa biktima.

Samantala, inaresto ng mga pulis ang 23-anyos na drayber ng Toyota Rush at kasalukuyang nasa kustodiya ng Trece Martires CCPS habang nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon sa naganap na insidente. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here