Home NATIONWIDE BOC Commissioner pinarangalan bilang Asia’s Outstanding Leader sa Customs Modernization at Public...

BOC Commissioner pinarangalan bilang Asia’s Outstanding Leader sa Customs Modernization at Public Service

2
0

MAYNILA, Pilipinas – Pinarangalan si Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ariel F. Nepomuceno bilang Asia’s Outstanding Leader for Customs Modernization and Public Service sa ginanap na Asia’s Golden Icon Awards, bilang pagkilala sa kanyang pamumuno sa pagsusulong ng reporma, transparency, at modernisasyon ng ahensya.

Iginawad ang parangal sa harap ng mga kinatawan mula sa pamahalaan, pribadong sektor, at civil society bilang pagkilala sa naging ambag ni Nepomuceno sa pagpapabuti ng serbisyo publiko, pagpapalakas ng institusyon, pagpapadali ng lehitimong kalakalan, at pagpapatibay ng seguridad sa mga hangganan ng bansa.

Mula nang maupo bilang Customs commissioner noong Hulyo 2025, pinangunahan ni Nepomuceno ang iba’t ibang reporma kabilang ang digitalization ng mga proseso, pagpapabilis ng customs transactions, pagpapalakas ng border protection at enforcement operations, at pagpapatibay ng integridad sa loob ng Bureau of Customs.

Sa ilalim ng kanyang liderato, nagpatuloy rin ang mataas na koleksiyon ng ahensya habang isinusulong ang transparency, accountability, at pagpapadali ng pagnenegosyo.

Sa kanyang acceptance speech, inialay ni Nepomuceno ang natanggap na parangal sa lahat ng opisyal at kawani ng Bureau of Customs.

Ayon sa kanya, ang pagkilalang ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap ng buong ahensya na maghatid ng tapat, mahusay, at makabuluhang serbisyo publiko.

Kasabay ng kanyang unang anibersaryo bilang commissioner, tiniyak din ni Nepomuceno na ipagpapatuloy ng BOC ang mga repormang sinimulan upang higit pang mapabuti ang serbisyo ng ahensya para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino.

Ayon sa BOC, ang naturang pagkilala ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng ahensya na maging mas episyente, mas transparent, at mas globally competitive sa pagsuporta sa pambansang kaunlaran. Jay Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here