Home NATIONWIDE Mayon Volcano nagbuga ng abo; nananatili sa Alert Level 3

Mayon Volcano nagbuga ng abo; nananatili sa Alert Level 3

3
0
Photo Courtesy: Father Paulo Barandon

ALBAY, Philippines – Nagbuga ng abo ang Mayon Volcano sa Albay nitong Lunes habang nasa ika-189 na araw na ng patuloy nitong pagbuga ng lava, ayon sa PHIVOLCS.

Naitala ng PHIVOLCS ang pyroclastic density currents (PDC) o “uson” mula 6:31 a.m. hanggang 6:46 a.m. Ito ay halo ng mainit na abo, bato, at gas na bumababa mula sa bulkan.

Nananatili ang Mayon sa Alert Level 3, na nangangahulugang malapit na sa ibabaw ang magma at maaaring magkaroon ng mapanganib na pagsabog sa mga susunod na linggo.

Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng 6-kilometrong permanent danger zone sa paligid ng bulkan.

Ang Mayon ay isa sa mga pinakaaktibong bulkan sa bansa. Noong 2018, libu-libong residente ang lumikas dahil sa malakas nitong pagputok. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here