Home NATIONWIDE 2016 arbitral ruling sa WPS, iginiit na pinal, may bisa ng EU

2016 arbitral ruling sa WPS, iginiit na pinal, may bisa ng EU

3
0

MANILA, Philippines – Muling iginiit ng European Union (EU) na ang 2016 arbitral ruling sa South China Sea ay pinal at legal na may bisa para sa Pilipinas at China.

Sa ika-10 anibersaryo ng desisyon, sinabi ng EU na dapat itong igalang at ipatupad bilang mahalagang hakbang sa mapayapang pagresolba ng mga alitan sa dagat.

Binigyang-diin din ng EU ang kahalagahan ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), kabilang ang kalayaan sa paglalayag at paglipad, upang mapanatili ang kapayapaan, seguridad, at malayang paglalakbay sa mga karagatan.

Nagpahayag din ito ng pag-aalala sa patuloy na pagtaas ng tensyon at mga mapanganib na insidente sa South China Sea at tinutulan ang anumang isang panig na hakbang na maaaring magdulot ng kaguluhan sa rehiyon.

Suportado rin ng EU ang pagsisikap ng ASEAN at China na makabuo ng isang epektibo at legal na umiiral na Code of Conduct sa South China Sea na naaayon sa UNCLOS.

Ayon sa EU, ang lahat ng sigalot ay dapat lutasin sa pamamagitan ng dayalogo at mapayapang paraan, alinsunod sa internasyonal na batas. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here