Home NATIONWIDE Presyo ng langis tumaas dahil sa panibagong tensyon ng US, Iran

Presyo ng langis tumaas dahil sa panibagong tensyon ng US, Iran

3
0

MANILA, Philippines – Tumaas ng mahigit 4% ang presyo ng langis nitong Lunes matapos muling uminit ang tensyon sa pagitan ng United States at Iran, na nagbanta sa kanilang pansamantalang tigil-putukan.

Nangyari ito matapos ang panibagong sagupaan sa Strait of Hormuz, isang mahalagang daanan ng pandaigdigang kalakalan ng langis. Iginiit ng Iran na isasara nito ang kipot, habang sinabi ng US na nananatili itong bukas para sa mga lehitimong sasakyang pandagat.

Dahil dito, muling nabahala ang mga mamumuhunan sa posibleng pagtaas ng inflation at interes sa buong mundo.

Samantala, bumagsak ang karamihan sa mga pamilihan ng sapi sa Asya. Pinakamalaki ang ibinaba ng South Korea, dahil sa malalaking pagkalugi ng mga technology company tulad ng SK hynix at Samsung.

Nagkaroon din ng pagbaba sa stock markets ng Japan, China, Singapore, New Zealand, at Indonesia, habang bahagyang tumaas ang Hong Kong, Taiwan, at Pilipinas.

Inaasahan din ng mga mamumuhunan ang ilalabas na financial reports ng malalaking kumpanya sa teknolohiya at mga bangko ngayong linggo upang masukat ang kalagayan ng industriya ng artificial intelligence (AI) at pandaigdigang ekonomiya. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here