Home METRO Hindi pa nakikilalang lalaki, natagpuang walang buhay sa Batangas

Hindi pa nakikilalang lalaki, natagpuang walang buhay sa Batangas

3
0

BATANGAS, Philippines – Isang hindi pa nakikilalang lalaki ang natagpuang patay sa Barangay Natipuan, Nasugbu, Batangas noong Linggo ng gabi.

Ayon sa pulisya, nakita ang biktima ng isang motorcycle rider bandang 9:00 ng gabi, na agad na humingi ng tulong sa mga awtoridad.

Nakatali ang mga kamay at paa ng biktima gamit ang plastic cable. Nakabalot din ng dilaw na packaging tape ang kanyang mga mata at bibig, at may itim na tela sa kanyang mga mata.

Suot niya ang itim na sweatshirt, fatigue pants, at itim na Nike rubber shoes.

Wala umanong nakitang ID o anumang personal na gamit na makakatulong sa pagkilala sa kanyang pagkakakilanlan. Hindi rin sinabi sa ulat kung may tama ng bala o iba pang sugat ang biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima at ang mga responsable sa kanyang pagkamatay. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here