MANILA, Philippines – Ipinagpaliban ng Senado ang hiling ng prosekusyon na maagang iharap bilang testigo si NBI Director Melvin Matibag sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte matapos tutulan ito ng depensa at ilang senator-judges.
Ayon sa prosekusyon, nais nilang tumestigo si Matibag sa Hulyo 14 dahil aalis siya sa Hulyo 20 upang dumalo sa isang regional summit na inorganisa ng FBI at Royal Thai Police.
Gayunman, sinabi ni Senate President Francis Escudero na pag-aaralan muna nila ang liham ni Matibag bago magpasya. Habang wala pang desisyon, ipinagpatuloy ng korte ang pagtestigo ni NBI Regional Director Jeremy Lotoc.
Tutol sina Sen. Alan Peter Cayetano, Senate President Sherwin Gatchalian, at ang kampo ni Duterte sa kahilingan. Anila, maaaring maging masamang precedent ito at lalabag sa napagkasunduang five-day notice rule, na nagsasaad na dapat ipaalam ang mga testigo limang araw bago sila iharap upang makapaghanda ang depensa at ang mga senator-judges.
Si Matibag ay inaasahang magbibigay ng testimonya kaugnay ng Article IV ng Articles of Impeachment, na tumatalakay sa umano’y pagbabanta ni Duterte laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez. RNT/MDS