Home METRO 7 vintage bomb, natagpuan sa junk shop sa Kyusi

7 vintage bomb, natagpuan sa junk shop sa Kyusi

3
0

MANILA, Philippines – Pitong lumang bomba na pinaniniwalaang mula pa noong World War II ang natagpuan sa isang junk shop sa Barangay Bagumbuhay, Project 4, Quezon City noong Linggo ng umaga.

Ayon sa pulisya, iniulat ito ng may-ari ng junk shop matapos mapansin ang kahina-hinalang kilos ng kanyang mga manggagawa habang nagbababa ng mga scrap na galing sa sangay ng kanilang junk shop sa Antipolo City.

Agad na rumesponde ang Quezon City Police District at District Explosives and Canine Unit (DECU). Natukoy na ang mga ito ay pitong kalawanging 60mm high-explosive mortar rounds. Ligtas na nakuha at isinailalim ang mga ito sa tamang proseso ng disposisyon.

Natapos ang operasyon nang walang nasugatan o naitalang insidente.

Pinuri ng pulisya ang may-ari ng junk shop sa agad nitong pag-uulat at pinaalalahanan ang publiko na huwag hawakan ang anumang hinihinalang pampasabog at agad itong ireport sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here