Home NATIONWIDE Depensa ni VP Sara: “Bloodbath” ay tumutukoy sa sarili niyang pagdurusa, ‘di...

Depensa ni VP Sara: “Bloodbath” ay tumutukoy sa sarili niyang pagdurusa, ‘di karahasan

1
0

MANILA, Philippines – Iginiit ng kampo ni Vice President Sara Duterte na ang salitang “bloodbath” na kanyang ginamit ay hindi nangangahulugan ng karahasan laban sa iba, kundi tumutukoy lamang sa sarili niyang pagdurusa sa impeachment trial.

Ayon kay defense spokesperson Michael Poa, ang ibig sabihin ng bise presidente ay siya mismo ang masasaktan o “magdurugo” dahil siya ang nahaharap sa paglilitis.

Dagdag pa niya, nilinaw rin ito ni Duterte nang sabihin nitong siya ay “will be bloodied but unbowed” at “bludgeoned,” na aniya’y tumutukoy sa kanyang sariling pinagdaraanan.

Binigyang-diin ni Poa na walang intensyon si Duterte na magpahiwatig ng karahasan sa kanyang mga pahayag.

Matatandaang noong Mayo 2025, sinabi ni Duterte na nais niyang matuloy ang impeachment trial dahil gusto niya ng “bloodbath.” Ang pahayag na ito ay umani ng batikos mula sa kanyang mga kritiko at kalaban sa politika. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here