Home METRO Sundalo binaril ni misis, utas; Misis dedo naman sa saksakn ng biyenan

Sundalo binaril ni misis, utas; Misis dedo naman sa saksakn ng biyenan

3
0

BACOLOD CITY — Patay ang isang sundalo matapos umanong barilin ng kaniyang misis, na nasawi rin nang pagsasaksakin naman umano ng ama ng sundalo sa kanilang bahay sa Bacolod City.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nagkaroon ng pagtatalo ang mag-asawa matapos umuwi mula sa isang outing.

Maya-maya ay nakarinig ng mga putok mula sa service firearm ng sundalo bago natagpuan ang lalaki na nakahandusay.

Ayon sa isang saksi, nakita ng ama ng sundalo ang sinapit ng kaniyang anak. Kumuha umano ito ng kutsilyo at pinagsasaksak nang ilang ulit ang kaniyang manugang.

Sumuko sa pulisya ang biyenan at kasalukuyang nakakulong. Tumanggi naman siyang magpaunlak ng panayam.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang motibo at pinagmulan ng pagtatalo ng magkakapamilya.

Naulila ng mag-asawa ang kanilang 11-taong-gulang na anak. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here