Home METRO Klase sa San Jose National High School, sinuspinde dahil sa pagbabanta

Klase sa San Jose National High School, sinuspinde dahil sa pagbabanta

3
0

TACLOBAN, Philippines – Sinuspinde ang klase sa San Jose National High School nitong Martes, Hulyo 14, matapos kumalat ang mga online na mensaheng naglalaman ng pagbabanta laban sa mga estudyante.

Ayon sa pulisya, isang Grade 8 teacher ang nagreport matapos makatanggap ang kanyang estudyante ng screenshot ng usapan sa Messenger mula sa account na “JM Magallanes.” Nakasaad sa mensahe na may plano umano silang umatake sa mga Grade 7 at Grade 8 na estudyante at may binanggit pang mga partikular na target.

Dahil dito, agad nagpakalat ng mga pulis sa paaralan at pinalakas ang seguridad. Nakipag-ugnayan din sila sa pamunuan ng paaralan, barangay, at Regional Anti-Cybercrime Unit 8 upang matukoy ang pinagmulan at katotohanan ng mga mensahe.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya at CIDG Tacloban upang matukoy ang may-ari ng account at maiwasan ang anumang insidente.

Matatandaang noong nakaraang buwan, tatlong estudyante ang namatay at 20 ang nasugatan sa pamamaril na kinasangkutan ng dalawang menor de edad sa parehong paaralan. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here