MANILA, Philippines – Mahigpit ang naging seguridad kay Senator Rodante Marcoleta nang dumating ngayong tanghali sa Philippine General Hospital (PGH) para sa kanyang medical examination check up.
Guwardiyado ang senador ng mga tauhan ng Criminal Investigation Detection Group (CIDG) sa pangunguna ni CIDG-NCR Chief Col. John Guiagui nang dumating ito sa nasabing pagamutan sakay ng isang coaster.
Siya ay naka-wheelchair, protective vest at detainee shirt pero paglilinaw ni Guiagui, bahagi lamang ito ng precautionary measures upang walang malamang mangyari sa senador.
Ang pagsailalim sa medical examination kay Senator Marcoleta ay alinsunod na rin sa kautosan ng Sandiganbayan Third Division upang matuloy kung kinakailangang pa niyang manatiling sa PNP General Hospital at kung may kakayahan siyang humarap sa Korte bukas.
Upang maiwasan naman ang Ayala at posibleng epekto sa ibang mga pasyente, nauna nang sinabi ng pamunuan ng pagamutan na maging mahigpit sila sa mga media habang isinasagawa ang pagsusuring sa senador.
Paliwanag no PGH Director Gerardo Legaspi , pangunahing konsidearsyon nila ang kapakanan ng mga pasyente kaya dapat limitahan ang galaw sa loob ng ospital.
Una na ring sinabi ng pamunuan ng PGH na tanging ang sandiganbayan lamang ang makakapagbigay ng mga detalye at impormasyon sa ginawang pagsusuri.
Inaasahan namang haharap sa Sandiganbayan ang mga doktor na sumuri kay Sen.Marcoleta bukas ng 8:30 ng umaga upang ipaliwanag ang resulta ng isinagawang medical evaluation. Jocelyn Tabangcura-Domenden