Home NATIONWIDE Marcoleta inilipat sa PGH para sa panibagong pagsusuri

Marcoleta inilipat sa PGH para sa panibagong pagsusuri

3
0

MANILA, Philippines – Inilipat ng Philippine National Police (PNP) si Sen. Rodante Marcoleta mula sa PNP General Hospital sa Camp Crame patungong Philippine General Hospital (PGH) nitong Martes, Hulyo 14 para sa panibagong medical examination.

Ayon sa PNP, nakaposas si Marcoleta at nakasuot ng orange na damit ng detainee. Nakawheelchair din siya, na ayon sa PNP ay karaniwang protocol para sa mga pasyenteng inilalabas ng ospital.

Iniutos ng Sandiganbayan ang pagsusuri sa PGH upang matukoy kung kailangan pa niyang manatili sa ospital.

Inaresto si Marcoleta noong Hulyo 6 dahil sa kasong plunder kaugnay ng umano’y hindi idineklarang P75 milyong campaign donation noong siya ay party-list representative.

Na-confine siya sa PNP General Hospital matapos magreklamo ng pananakit ng dibdib at na-diagnose na may high blood pressure at mild pneumonia.

Inatasan din siya ng Sandiganbayan na humarap sa korte sa Hulyo 15. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here