Home NATIONWIDE Bonoan nasa maayos na kondisyon, haharap sa Sandiganbayan

Bonoan nasa maayos na kondisyon, haharap sa Sandiganbayan

1
0

MANILA, Philippines – Nasa stable na kondisyon si dating Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan nitong Martes ng umaga, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Inaasahang haharap si Bonoan sa Sandiganbayan Second Division para sa pagdinig ng kanyang kasong graft.

Ayon sa PNP, wala siyang malubhang karamdaman at maayos ang kanyang kalagayan.

Sumuko si Bonoan sa PNP noong Hunyo kaugnay ng kasong plunder na may kaugnayan sa umano’y anomalya sa mga flood control projects.

Na-confine siya sa PNP General Hospital matapos tumaas ang kanyang blood pressure. Pansamantala rin siyang dinala sa The Medical City sa Pasig para sa karagdagang pagsusuri, ngunit iniutos ng Sandiganbayan na ibalik siya sa PNP General Hospital. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here