Home NATIONWIDE NGCP kinalampag ni Gatchalian sa modernisasyon ng grid vs electricity rates hike

NGCP kinalampag ni Gatchalian sa modernisasyon ng grid vs electricity rates hike

3
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si Senate President Win Gatchalian sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na pabilisin ang modernisasyon ng power grid upang maging mas handa sa inaasahang pagdami ng renewable energy (RE) projects at sa unti-unting paglipat ng bansa sa paggamit ng electric vehicles (EVs).

Sa pahayag, sinabi ni Gatchalian na mas episyente at flexible na power system ang susi upang amtiyak na magiging matatag at abot-kaya ang presyo ng singil sa kuryente.

 “Ngayong nag-anunsiyo na naman ang Meralco ng panibagong dagdag-singil sa kuryente dahil sa pagtaas ng generation cost bunsod ng mahal na krudo at mas mataas na buwis, mas lalong mahalagang pabilisin ang modernisasyon ng ating power grid. Sa ganitong paraan, mababawasan ang mga hindi episyente sa sistema at mapapababa ang gastos sa kuryente sa pangmatagalan,” ani Gatchalian.

Ipinaliwanag ng senador na sa pamamagitan ng makabagong power grid, mas madaling maisasama sa power system ang mga decentralized energy resources (DERs) gaya ng mga solar panel sa mga bahay at mga EV charging station.

Dahil dito, hindi lamang makakakuha ng kuryente ang mga konsyumer mula sa grid, kundi maaari ring maibalik dito ang sobrang kuryenteng nalilikha.

Ayon pa sa senador, kayang ilipat ng isang makabagong power grid ang sobrang renewable energy na nalilikha sa oras ng mataas na produksyon patungo sa malalaking battery storage system upang magamit kapag mas mataas na ang demand sa kuryente.

Dagdag pa niya, ang makabagong power grid ay makatutulong upang mapataas ang kahusayan ng sistema, mabawasan ang power losses, at maging mas maayos ang paghahatid ng kuryente sa mga konsyumer.

“Sa huli, ito ang susi para magkaroon tayo ng mas matatag, mas maaasahan, at mas abot-kayang suplay ng kuryente,” ani Gatchalian.  Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here