Home METRO Amerikanong marine biologist utas sa pamamaril sa NegOr

Amerikanong marine biologist utas sa pamamaril sa NegOr

3
0

NEGROS ORIENTAL, Philippines – Patay ang 73-anyos na Amerikanong marine biologist na si Kent Edward Carpenter matapos barilin sa loob ng kanyang bahay sa Sibulan, Negros Oriental noong Linggo ng gabi.

Ayon sa pulisya, nanonood ng telebisyon ang biktima kasama ang kanyang 34-anyos na Pilipinang kasama nang pasukin ng tatlong armadong lalaki ang kanilang bahay bandang 11:30 p.m. Isa sa mga suspek ang bumaril sa ulo ni Carpenter bago sila tumakas.

Nasugatan din ang kanyang kasama at kasalukuyang sumasailalim sa medical at forensic examination.

Hindi pa matukoy ng mga awtoridad ang motibo ng pamamaril. Bumuo na ang Police Regional Office–Negros Island Region ng Special Investigation Task Group (SITG) Carpenter upang pabilisin ang imbestigasyon.

Kasama sa kanilang ginagawa ang forensic examination, pagrepaso sa CCTV footage, pakikipanayam sa mga saksi, pagkalap ng intelligence information, at pagtukoy sa naging galaw ng mga suspek bago at pagkatapos ng krimen.

Nanawagan din ang pulisya sa sinumang may impormasyon na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya o sa Sibulan Municipal Police Station. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here