MANILA, Philippines — Umabot sa 5th alarm ang sunog na sumiklab sa isang residential area sa Dagupan Extension, Tondo, Maynila nitong Martes ng hapon.
Batay sa Manila City Disaster Risk Reduction and Management Department (DRRM), idineklara ang 5th alarm bandang 5:29 p.m. habang patuloy ang pagkalat ng apoy sa lugar.
Patuloy namang nagsasagawa ng fire suppression operations ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) katuwang ang mga bumbero mula sa iba’t ibang lokal na pamahalaan at volunteer fire groups.
Sa ngayon, wala pang inilalabas na ulat ang mga awtoridad tungkol sa sanhi ng sunog, bilang ng mga naapektuhan, o kung may naiulat na nasawi o nasugatan. Patuloy pa ang imbestigasyon at pag-apula ng apoy. RNT/MDS